Sa pangalawang bahagi ng ating Breast Cancer video series, pag-usapan naman natin kung ano ang screening na nararapat upang matignan o matukoy kung ang pasyente ay may breast cancer. Kailan ba dapat magpatingin ang isang babae? Gaano kadalas dapat sumailalim sa check-up upang matiyak ang kalusugan?
Kasama ulit si Dr. Gonzalo Banuelos, Jr., narito ang mga kasagutan sa kadalasang katanungan ng mga kababaihan tungkol sa Breast Cancer screening. #IAmAConqueror #ThinkPinkThinkPositive